240612

Paano ba lumaya?
Iyon ba ang maginhawang pagbitaw
sa kadena ng oras na layaw
nang sa munting sandali
makapagtagpuan
itong mga kamay naman natin?

Paano ba lumaya?
Iyon ba ang malalim na paghinga
palalim sa iyong mababait na mga mata
pahingang sa puntong ito
wala mang ibang inaalala
kundi itong ating pagsasama?

Ano ba ang paglaya?
Ito ba ang pagdinig
sa bulong ng isang payak na mithiin
na mabuhay, magmahal, at yaong maisa-ulit
itong pagsasakatawan
ng Banal na hindi mawari
sa’ting pang-araw-araw at sa tanang magpakailanman

?