‘Di mawaring pangamba—
ito ba’y kape
o paalala ng bukas na magbastà?
Nais ko lamang na makahinga
nang maluwag, na malugod sa kaluluwa—
Ngunit ako’y may aninong ramdam kahit ‘di makita—
Saan kaya ang kapayapaan ng umaga
ngayo’y hapon na at ang búkas tuluyang nagbabadya—
Ano bang gantimpala ang makukuha
sa ganitong pagkalagay?