Tag: tula

  • antukin

    antukin

    maaliwalas na babangon ang mga antukin at sila’y sa wakas tatanungin ano nga bang panaginip ang maaari kung kaya tanghali na at kayo’y tulog pa rin bakit sa hinaba-haba ng mga oras at sasabihin nananatiling katahimikan at bulung-bulungan ang tinig ng inyong mga paghikab

  • Bágay-bágay

    Bágay-bágay

    Mangungulila tayo sa mga bagay-bagay na habambuhay ay atin naman lagi’t lagi’t naririto, pumapalagay lagi’t lagi’y sinasantabi, sumasaglit, sumasandali—mga bagay na nililimot, binibitawan mga bagay na hindi mapakawalan. Mangungulila tayo sa mga mithiin na dating gumagabay, yumayakap sa atin narito na naman tayo sa punto ng pagtatanto at mangyaring pagpili sa mga bagay na nililimot,…