Kay Sarap Magmahal

Kay sarap palang magmahal
at namnamin ang lamig ng hangin
sa mga gabing maliwanag ang buwan
at matingkad ang mga anino natin.

Kay sarap palang magmahal
at damdamin ang mga minutong ‘di nagtatagal
Yaóng tila usok na init
at mala-habambuhay na pagpikit.

Kay sarap palang magmahal
at pakinggan ang mga salitang ‘di masabi-sabi
musikang pampakalma
at nanggaling sa nanginginig na mga labi.

Kay sarap palang magmahal
at sabihin
kung gaano kaganda ang pagiging “natin”
ng mga salitang parang ihip ng hangin
at guni-guni ng kung kani-kaninong mga damdamin.

Comments

  1. Pingback: cialis cheaper
  2. Pingback: original cialis
  3. Pingback: cialis generico
  4. Pingback: valtrex dogs
  5. Pingback: rybelsus goodrx
  6. Pingback: zoloft for kids
  7. Pingback: celebrex savings
  8. Pingback: acarbose bread

Comments are closed.