Pagkalimot

Work-in-progress of sorts. Probably going to update this post with developments. Probably–hah!

Sa bawat pagpikit, maaari mong kalimutan
Ang lahat ng paghati, lahat ng hindi mo ninanais

Hindi mo kailangang magpigil sa paghinga
Patuluhin ang mga luha’t hayaang matuyo na

Bumitaw, hayaang lumubog ang araw
Bumitaw, mayroong bagong umaga
Sariwang hangin, panibagong alalahanin
Bumitaw at hayaan ang sariling makalimot

Puwede kalimutang kahit ang mga masasayang alaala
Mabuhay na tila walang kahapon, parang bang bukas

Isipin lamang ang ngayon at ang sarili