Tanawin (Salin ng “풍경화” ng Red Velvet)

I.
Bawat saglit, buong araw
Nais alalahanin
‘Tong mga kung saan-saang
Punô ng tanawing iginuhit
Mga tanawing pang-araw-araw
Sa’ki’y bukod-tangi

*
‘Ting munting awitin
Narito nang lahat
Tila laging maaliwalas na tag-araw
Dito sa ating kwentong mala-sining

**
Sa bagong pahinang ‘to
Araw-araw iguhit
Mga ulap na dumaraan
Mga púnong magbabago rin

***
‘Tong ating tanawin
Isang kabanatang palihim
Sa’ting dal’wa lamang
Papabasa

II.
Kapani-panibago man
Hindi ako mangangamba
Ano mang kanilang sambit
Tunay pa ring iyo’y araw natin
Sa taglamig ay magyelo man
Bughaw na dagat
Laging ‘sa tag-arawan

**
Sa bagong pahinang ‘to
Araw-araw iguhit
Mga ulap na dumaraan
Mga púnong magbabago rin

***
‘Tong ating tanawin
Isang kabanatang palihim
Sa’ting dal’wa lamang (sa’ting dal’wa)
Papabasa

#
Ngayon tal’ga
Bawat araw bukod-tangi
Langit man
Pagguhitan, larawan titingnan

*
‘Ting munting awitin
Narito nang lahat

**
Sa bagong pahinang ‘to
Mithi’n iguhit
Mga ulap nagyayakapan
Mga púnong nagsasandalan

***
‘Tong ating tanawin
Isang kabanatang palihim
Sa’ting dal’wa lamang
Papabasa